Tuesday, March 18, 2008

Taga-UPLB ka Kung...

I got this from Ayie's blog. Click here for the source.

And because I am a graduate of UPLB (BS Development Communication, Major in Educational Communication, Minor in Broadcast Communication, Technical in Economics/Agricultural Economics, Batch 1993), I post this here.

1. Kilala mo si Mang Pogs
Ang may-ari ng tindahang laging bukas. Ang taong hindi natutulog.

2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga
Pabago-bago. Halos iba-iba bawat sem.

3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin
Hindi ako umiinom nung college. He he he!

4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem, physics, eco etc.
Oo, kaya lang minsan hindi rin maasahan. Mas lalo kang mapapahamak. Aral na lang talaga.

5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate (sagot mo LB)
Usually kasi pag sumagot ka ng UP ina-assume nila kaagad taga-Diliman ka.

6. Taga-LB ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas
Si Prof. Climacosa, otherwise known as Prof. Climax. Matinik pa rin sa chicks kahit lolo na (hanggang ngayon yata...babe daw ang GF niya). Medyo bingi. Gusto ko sanang mag-take ng isa sa mga subjects na tinuturo niya until I heard all the horror stories about him.

7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka
Dahil mas OK na pangit suot mo pero tama sagot mo kesa sa magara porma mo pero wala ka namang alam.

8. Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?" at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa
Except ngayon.

9. Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?" at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa
Ditto.

10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong
Panghampas din kasi yan sa mga asong mahilig mangagat.

11. Taga-LB ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs diretso ka na kay Mr. Midnight
Like may iba pang choice.

12. Bumibili ka ng blue book sa Coop
Masarap din ang fried chicken nila doon at mura pa.

13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki
I couldn't if I tried.

14. Nung pinanood mo ang movie ni Aga at Regine na shot at LB (sa may
Gaygay Gowns) at nagtawag ng taxi si Regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba
Hindi ko pinanood ang pelikula nilang 'yun.

15. Alam mo kung nasaan ang White House
Tirahan ng mga well-to-do students.

16. May tanline ka ng tsinelas
Mojos ang lagi kong suot noon...

17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup'
Pandesal at Coke usually ang pantawid gutom ko noon.

18. Sanay ka maglakad
Ika nga, any place that can be reached withing 30 minutes or less is considered walking distance.

19. Thursday night ang gimik night mo
Basta may pera pa at may kasama, every night is gimmick night.

20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at
Sizzler's ang tinitingalang kainan
Bakit ba naman kasi tiles na pambanyo ang ginamit nila sa mga walls nila.

21. Kilala mo sina Saniano Boy at Girl
Mas gusto ko si Sani-girl. Mas mabait.

22. Alam mo kung nasaan ang "Johnson"
Junction na naging Johnson dahil mas madaling bigkasin ng mga barkers ng jeepney.

23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks
Ano nga ba? Meron pa palang isang Flatrocks?

24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo
See number 7.

25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa
Isa sa mga ayaw kong makita na landmarks sa LB.

26. Alam mong OK lang na pumunta sa Maahas
Eh, sa Mapagong?

27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom
Hindi.

28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower, at ang templo ni Bruce Lee
Dun kami natutulog sa likod ng Fertility Tree tuwing may ROTC para hindi kami mahuli ng officers namin.

29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na
Wala ka rin naman kasing gagawin sa dorm e.

30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o
kaya ay Jamboree...
Yep.

31. Hindi ka kumakain ng buko pie
Pastillas ang hilig kong kainin nun.

32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo ay marketing
strategy na ito ng Salad Country
Yep.

33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's
Sinasadya ko pa rin paminsan-minsan.

34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate (main) mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park ...
Yep.

35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI 'pag di ka IRRI employee
Yep.

36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin
Nakaka-antok lang pagkatapos dahil sa dami ng MSG.

37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang
Yep.

38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos
Yep.

39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw
Isang linggo ang average ng isang maong sa akin.

40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB
Yep.

41. Apektado ka sa pagsasara ng IC's
Hindi naman. Hindi ako madalas dun e.

42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip
Kahit excuse slip hindi ako kumukuha noon.

43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc.
Ah, oo. May mga ilang personal ghost stories din ako...

44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing Feb Fair)
Yep.

45. Alam mo na ang tunog ng pillbox
Yep.

46. Taga LB ka kapag kilala mo si "Manang Slow"
Ang kilala ko lang ay si Manong Slow. Yung driver ng "matchbox" na sobrang bagal magmaneho. Titigilan lahat ng nasa daan maski hindi naman pumapara.

47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's
Inabutan ko ang Vegamall. Teacher ko pa sa DevCom ang may-ari.

48. Taga LB ka kapag mas gusto mong tumambay pag Feb Fair kesa manood ng kung anuman sa stage
Yep.

49. Kaya mong i-identify ang species at subspecies ng bawat punong nadadaanan mo
Oo, kasi pinaga-aralan yan ng ex ko (saka parehong Forestry yung tatay at lolo niya). Pero hindi ko na maalala ngayon...kasi hindi na kami. He he he!

50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang St. Therese from Hum ay ang dirt road
Hindi ako mahilig magsimba.

51. Taga-LB ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate
Yep.

52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom...hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (hindi mo na rin minsan kailangan ng baso)
Hindi ako nainom nung college pero, suprisingly enough, nadala ko itong isang ito nung finally nagsimula akong tumoma after graduation.

53. Alam mo kung nasaan ang Soils
Yep.

54. Mas trip mo mag-Red Horse kesa mag San Mig Light
Hindi nainom noon. Coke lang ang banat ko pag naghahanap ng kasama yung mga kaibigan ko na gustong uminom.

55. Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng Peak Two
Lagi kaming umaakyat noon. Every semester yata ay may at least one trek papunta sa Peak Two.

56. Taga-LB ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus... kapok)
Yep.

57. Taga-LB ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-peprerog ka
makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE)
Naranasan ko ng pumila ng gabi pa lang para may slot ako sa subject the next day. Ganun siya ka in-demand.

58. Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin
Yep. Very useful lalo na kapag wala ka ng pera.

59. Alam mong ang DevCom ay dating under ng CA
Institute of Development Communication pa 'yun noon.

60. Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos
Unless yung gimmick ay sa field.

61. Alam mong ang "audi" at DL Umali Hall ay iisa
Yep.

62. Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT)
Yep.

63. Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night
Oo. Pahirapan maghanap ng date nun.

63. Alam mo kung nasaan ang Ilag's, Raymundo's at Catalan
Yep.

64. Dismissed ka na pero sa LB ka pa rin nakatira
Kahit nag-graduate na ako at lahat ay tumira pa rin ako for 2 years sa LB.

65. Alam mo kung nasaan ang Batcave
Ang pinakamasarap na lechon kawali na natikman ko sa buong buhay ko!

66. Gusto mong pasabugin ang PhySci building
Hindi naman.

67.Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib
Yep.

68. Nakapanood ka na ng sine sa Agrix
Oo pero tumigil na ako kasi hunting grounds din yan ng mga predators (i.e. mga bading na naghahanap ng mabibiktima).

No comments: